Text
Posted by mwot at 08:13 PM on April 12, 2008 in Funny.
BOY: musta?
GIRL: okay lang. kaw?
BOY: ok lang din. Hehe.
GIRL: hehe.
BOY: ü
GIRL: ü
Sa GLOBE UNLITXT, walang kwenta ang usapan.
Posted by mwot at 08:13 PM on April 12, 2008 in Funny.
BOY: musta?
GIRL: okay lang. kaw?
BOY: ok lang din. Hehe.
GIRL: hehe.
BOY: ü
GIRL: ü
Sa GLOBE UNLITXT, walang kwenta ang usapan.
Posted by mwot at 12:24 AM on April 10, 2008 in Funny.
Naisip ko habang lumalangoy pa sa Red Horse ang utak ko kasama sila Luis, Darwin at Nice...
When praying, uminom ka ng Extra Joss for best results...
Tanong si Nice kung baket may righteous na word pero walang lefteous... sabi ko meron, yun yung nilalagay sa salad... nyahaha
Posted by mwot at 11:19 AM on April 8, 2008 in Not Funny.
Nothing ever happened my way today...
Posted by mwot at 02:47 AM on April 7, 2008 in Not Funny.
Alone
From childhood's hour I have not been
As others were; I have not seen
As others saw; I could not bring
My passions from a common spring.
From the same source I have not taken
My sorrow; I could not awaken
My heart to joy at the same tone;
And all I loved, I loved alone.
Then - in my childhood, in the dawn
Of a most stormy life - was drawn
From every depth of good and ill
The mystery which binds me still:
From the torrent, or the fountain,
From the red cliff of the mountain,
From the sun that round me rolled
In its autumn tint of gold,
From the lightning in the sky
As it passed me flying by,
From the thunder and the storm,
And the cloud that took the form
(When the rest of Heaven was blue)
Of a demon in my view.
Edgar Allan Poe
Posted by mwot at 03:13 PM on April 4, 2008 in Funny.
Habang papunta kami sa Pacita, napansin namin ni Sunoy ang mga sumasakay na vendor. At may sequence ito, kailangan muna pumasok ang nagbebenta ng mga nakakauhaw at makalat na pagkain tulad ng mani, buko pie, itlog ng pugo, tupig, espasol, chicharon, pulburon o kaya e biskwet. Pagkatapos nilang magbenta, siyempre, saka naman sasakay ang mga may pamatid-uhaw na binibenta tulad ng C2 o kaya e mineral water. Tama lang, kasi matapos mong mauhaw at dumikit-dikit sa gilid ng ngipin mo ang mga pinagkakain mo e kailangan mo ng tubig or the like.
Naisip namin na tag-team ang thirst and quench vendors, kasi kung hindi e, malamang lugi ang negosyo.
Buti na lang din, marami nang aircon na bus na bumibyahe. Kasi ang hirap kumain ng makalat na pagkain pag ordinary bus lang tapos buong bilis nitong tinatahak ang expressway. Mas mahirap ito sa mga tao sa likod mo na pinupuntahan ng mga balak mong kainin pero nahahangin. Isipin mo, buko pie, ok pa, kasi konti lang ang kalat, parang hopiang baboy. Itlog ng pugo, ok din, kasi buo-buo naman ang balat nito. Chicharon, medyo bad trip na yung nasa likod mo, kasi bawa't kagat mo, 25% nagiging chicharon powder, na napupunta sa kanya. Espasol, masama na tingin sa yo, kasi pagbukas mo pa lang, sumabog na yung harina sa lakas ng hangin. Pulboron, nagmukha na syang espasol kasi nahangin papunta sa kanya lahat ng pulboron powder.
Posted by mwot at 09:27 PM on March 21, 2008 in Funny.
Napansin namin nila Luis at Jeff ang bagong T-shirt ni Ace (di katulad ni Ligaya sa kanta ng Eraserheads). Itim ito at may nakalagay na "PILYO" in white letters.
Sabi ni Ace, papatatakan pa daw nya ng "SE" sa likod para pag pinagsama, "SEPILYO." Tawanan! Benta! Hahaha! Asteeg!
Sabi ko, after ng isang hit sa Winston Lights, puwede ding "TROM" sa likod para pag pinagsama, "TROMPILYO." Konti lang ang tumawa, di gaanong bumenta, haha, flop...
Isip ulit ako, isa pang hit, sabi ko, mas ok ang "HINDI NAGSISI" sa likod, double-meaning, pag may nagtanong kung bakit hindi nagsisi si Ace, haharap lang sya, kasi sya ay pilyo. Di gaanong nagsisisi ang mga pilyo. Tapos, hehe, pag pinagsama, "HINDI NAGSISIPILYO." Tawanan! Benta! HAHAHA! Asteeg! Hihihi! Woohoo! Haha!
Naisip ko rin ang "BOM" para pag pinagsama "BOMPILYO" pero di ko na sinabi, bukod sa it doesn't make sense e korni na.
Posted by mwot at 07:31 PM on March 21, 2008.
"ang bus pla kahit di ka pa naka upo, basta nakasakay ka na, aandar na sya"
oo... at maraming bagay pa na gusto kong ako sana ang kasama mo pag natutunan mo... para alalayan ka, makapitan mo, at magpaliwanag kung bakit ganun... kasi masaya ako pag kasama kita, kasi...
Posted by mwot at 10:58 AM on March 16, 2008 in Funny.
'Lam nyo, dear readers (oo, kayong apat)... may mga kilala ako na nilamon ng sistema, dati pa, kakalungkot pero ganun siguro talaga, situations change people, it's just how it is sa buhay...
pero at the same time, may kilala din ako na sinistema ang lamon, nyehehehe
Posted by mwot at 10:45 AM on March 16, 2008.
I learned this week that warm beer could taste as good as ice cold beer. Yung Red Horses kasi that one time e kasalukuyang kaka-unload pa lang sa delivery van, siyempre, na-alog-alog yun at nainitan ng araw. Di ko na hinintay na palamigin ng yelo na nasa baso... tanggal tansan, tapos pahid maigi ng bibig para matanggal ang kalawang... lagok!
Parang tsaa! Medyo lasang ipis (yun lang naiisip ko na lasa ng ipis, pero di pa ko nakakatikim ng ipis, pero kung may pupusta, ehehehe, baket hindi, Fear Factor!!), at lasang beer na natapon (muli, yun lang naiisip ko na lasa ng beer na natapon, base sa amoy ng aftermath ng lahat ng beer-binging, at di ko na iinumin yun, hirap kunin e). At sumisipa na habang nasa bibig pa, wild Red Horse! Untamed pa e. Pagsisipain nito ang lahat ng laman na madaanan nito pati na brain cells mo na walang warning or prior notice, isang collective WTF!!! lang ang masasabi nila.
Contrast ito sa ice cold, frosted Red Horse na mabibili sa Sukina (plugging!), na walang ibang lasa kundi hnszarafph! at siyempre, dahil captive Red Horse na ito, di gaanong sumisipa, kailangan marami sila para mag-stampede na hudyat naman para magtatakbo ang brain cells at better judgment mo nang nakaputi a la Pamplona Running of the Bulls. Ang mahuli, dedz.
Advantage ng untamed Red Horse is di ka gaanong dependent sa yelo, maski walang dumating na yelo as long as may pambukas, ok na... disadvantages? Baka kumonti kainuman mo, kasi tatlong bote pa lang e either tulog ka na or makulit ka na or explosive projectile vomitting, which leads to low self-esteem after mong magising nang walang damit or nasa gitna ng kangkungan, which in turn prompts you to drink s'more, ehehe... hmm, parang advantage pa ren, hehehe, beer pa ritow!
At oo nga pala, beer... warm or cold, any brand, tastes the same after the fifth bottle or can, hehehe